China, source ng iba’t ibang sakit, may coronavirus na, may ASF pa!
TATLONG CHINESE NA PINAGHIHINALAANG MAY CORONAVIRUS, IMBES NA PABALIKIN NG CHINA, SA SAN LAZARO HOSPITAL DINALA—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tatlong Chinese na galing ng Wuhan, China ang dinala at inoobserbahan ngayon sa San Lazaro Hospital dahil sa hinalang tinamaan ang mga ito ng deadly corona virus.
Pambihirang gobyerno ito, imbes na pabalikin sa China ang tatlong Chinese, eh, sa San Lazaro Hospital pa dinala, gayung alam naman ng DOH na siksikan ang mga pasyente sa ospital na ito.
Sana, walang coronavirus ang tatlong Chinese na ito kasi kapag nagpositibo, nakupo, baka riyan na magsimula ang paglaganap ng deadly virus sa bansa, ‘kakatakot!
◘◘◘
DUMPLINGS NA POSITIBO SA ASF, BINALAK IPASOK NG CHINA SA ‘PINAS—Isang container van na galing China na naglalaman ng mga dumplings na positibo sa African Swine Fever (ASF) ang nasabat ng mga awtoridad sa Bureau of Customs.
Mantakin n’yo, nagkalat na ang mga Chinese na pinaghihinalaang may coronavirus, tapos ngayon, tinangka pa ng China na magpasok ng dumplings na positibo sa ASF, buwisit!
◘◘◘
SA WAKAS, MAYOR JOY, UMAKSIYON NA VS. ILLEGAL GAMBLING SA QC—Ipinag-utos na ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapatigil sa operasyon ng mga illegal gambling sa Quezon City.
Good! Eh, ang ibang meyor sa Metro Manila, kailan kaya ipag-uutos na ipatigil ang raket ng mga ilegalista sa kanilang nasasakupan? Abangan!





Comments