top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 Chinese in-ambush

  • Gina Pleñago
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Dalawang Chinese at isang Pilipino ang nasawi habang dalawang menor-de-edad ang sugatan nang pagbabarilin ng apat na lalaki habang sakay ang mga biktima sa kotse, kahapon sa Taguig City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ninjie Zhang, 42, lalaki, residente ng Bagong Silang, Caloocan City; isang alyas Kauyu, Chinese at isang alyas Noel, Filipino, residente ng Cavite.

Ginagamot naman sa ospital ang dalawa pang biktima na kapwa menor-de-edad na sina ‘Ana’, 5, at ‘Marie’, 12, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Nangyari ang pamamaril sa tapat ng gusali ng Department of Science and Technology (DOST) sa Gen. Santos Avenue sa Bgy. Upper Bicutan, alas-2:30 ng hapon.

Lulan ang limang biktima ng kotse nang harangin ng apat na lalaki saka pinagbabaril.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng pulisya sa lugar at naisugod ang mga biktima sa nabanggit na pagamutan.

Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng Taguig City Police sa insidente habang ikinasa na ang follow-up operations para mahuli ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page