Pinalitan ni Maja… Bela napikon kay Vice, nag-walkout sa It's Showtime
Beth Gelena / Bulgary Files

Tuluyan na nga bang nagtampo ang aktres na si Bela Padilla sa It’s Showtime host na si Vice Ganda?
Paboritong kunin ng It’s Showtime ang mahusay na aktres bilang guest host kapag kulang sila sa mga hosts. Sa Tawag ng Tanghalan segment ay inalaska ni Vice si Bela.
Sey ni Vice, “Bakit kapag ikaw ang guest host namin dito sa TnT, laging may nago-gong?”
Ang lakas ng tawa ni Ryan Bang sa sinabi ni Vice.
Sabi ni Bela, “Tumawa ka pa, Ryan, ha?” saka biglang tumalikod ang aktres at tuluy-tuloy na lumabas sa studio.
Nu’ng oras na ‘yun ay nag-walkout si Bela. Ngayon, hindi pa siya muling bumabalik as a guest host kaya si Maja Salvador ang pumalit sa kanya.
Wala pa kaming balita kung na-offend si Bela sa sinabi ni Vice o sadyang may biglaang lakad lang ang aktres.





Comments