Nakiramay sa pagkamatay ng NBA legend… Regine, imbes Kobe, Coby ang spelling sa IG post, binash ng n
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: @reginevalcasid
Nabulabog ng buong mundo matapos kumalat ang balitang kasama ang napakahusay na NBA superstar na si Kobe Bryant at anak nitong si Gianna sa siyam na nasawi sa kalunus-lunos na helicopter crash nu’ng Linggo ng umaga sa Calabasas, California.
Bumaha ng luha at mensahe ng pakikiramay sa social media mula sa mga fans at supporters ni Kobe at maging ang mga celebrities ay nagpahayag ng kani-kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawi.
Kabilang sa mga Pinoy celebrities na nagpahayag ng labis na pagkalungkot at panghihinayang sa pagkawala ng nag-iisang Black Mamba ng NBA sina Vice Ganda, Aiko Melendez, Arjo Atayde, Rhen Escaño, Rhian Ramos, atbp..
Sey din ni Megastar Sharon Cuneta sa Twitter: “May God have already welcomed you both home in His loving arms, Kobe Bryant and beloved daughter, 13-year-old Gianna. R.I.P. May He comfort and embrace your beautiful wife and other daughters through this most difficult period.”
Sabi naman ni Vice Ganda, “Ang daming na-inspire, napahanga at napasaya ni Kobe. Ang daming nalulungkot ngayon. ‘Di tayo magkakilala, Kobe, pero maraming salamat po. #RIPKobeBryant.”
Samantala, nag-post din ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Instagram tungkol sa kalungkutang nararamdaman niya sa pagkamatay ni Kobe, pero na-bash siya dahil sa maling spelling ng pangalan ng NBA legend.
Ayon sa ilang ulat, ang orihinal na nailagay ni Regine ay “RIPCoby.”
Sadyang matinik ang mata ng mga netizens kaya nasundan agad ito ng pagtu-tweet ng Songbird ng: “I always make a mistake with spelling someone name. You can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again, you can correct me without making me feel bad.”
Mula sa BULGAR family, lubos kaming nakikiramay sa pamilya ng mga nasawi lalo’t higit sa nag-iisang Black Mamba.





Comments