top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maynila, pang 8th sa most dynamic cities sa buong mundo

  • Isko Moreno
  • Jan 28, 2020
  • 1 min read

Gusto lang nating i-share ang naiulat kamakailan na ang Lungsod ng Maynila ay umakyat ang global ranking sa ‘most dynamic cities in the world’. Nasa ika-walong puwesto ang Maynila, ayon sa survey na isinagawa ng sikat na real estate and investment management firm na JLL.

Ayon sa 2020 edition ng JLL’s City Momentum Index, umakyat ang Maynila mula 12th place noong 2019 hanggang 8th ngayong taon.

Pinagsama-sama ng index ang tinatawag nating socio-economic at commercial property metrics ng halos 130 markets para malaman ang tinaguriang “world’s most dynamic urban centers.”

Pinagbasehan ng nasabing survey ang tinatawag nilang “key growth drivers”, “talent attraction”, “expansion of innovation hubs” at maayos na urban planning na puwedeng gawin ng siyudad upang maging handa sa mga darating na pagsubok.

Nais nating pasalamatan ang mga katuwang natin sa city hall lalo na ang ating masipag na bise-alkalde na si Honey Lacuna at kanyang mga kasamahan sa konseho.

Malaking bahagi nito ang tulong, suporta at panalangin ng bawat empleyado at mamamayan ng Maynila na patuloy na naniniwala sa ating mga plano at adhikain.

Marami pa tayong gusto at dapat gawin upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mahihirap nating kababayan sa Maynila. Samahan n’yo ako, magtulungan tayo upang ating makamit ang sabay-sabay na pag-unlad!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page