Kasyungahan ng DDS, wag naman masyadong obyus, esep-esep bago mag-comment
PILIPINAS, ‘EVACUATION CENTER’ NG CHINA?—Kasabay ng pagkalat ng coronavirus sa China, nitong mga nakalipas na araw ay sangkaterbang Chinese na galing ng Wuhan at Guangzhou, China ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Kalibo International Airport sa Aklan.
Bad news ‘yan kasi sa pagdagsa ng mga Chinese sa bansa, tila indikasyon ito na ginawa nilang evacuation center ang Pilipinas habang kalat na kalat ang coronavirus sa China, susmaryosep!
◘◘◘
KAPAG KUMALAT ANG CORONAVIRUS SA ‘PINAS, YARI RIN ANG MGA PINOY—Kung may malasakit sa mga Pinoy ang Duterte gov’t., dapat lang na pabalikin sa China ang lahat ng mga Chinese na nakapasok sa bansa at pagbawalan muna ang pagpapapasok ng mga turista habang laganap pa ang naturang sakit sa China.
Nakababahala na kapag ang coronavirus ay lumaganap din sa Pilipinas dahil sa nagdaragsaang Chinese sa bansa, hindi lang mga Chinese ang “mayayari” sa deadly virus kundi pati ang mga Pinoy, ‘kakatakot!
◘◘◘
DDS, COMMENT NANG COMMENT KAHIT HINDI NAIINTINDIHAN ANG ISYU— Isang masaklap na katotohanan na may mga kababayan tayong comment lang nang comment kahit hindi nila naiintindihan ang balita na naka-post sa social media.
Tulad ng balitang, “Philippines drops 14 notches in 2019 global corruption index” ng Transparency International. Tuwang-tuwa at binati pa ng mga DDS o supporter ng kasalukuyang gobyerno si P-Duterte dahil ang akala nila ay good news ito, pero ang ibig sabihin ng balita ay sobrang baba o bagsak ang grado ng Pilipinas sa isyu ng korupsiyon sa gobyerno. Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
TULOY ANG BENTAHAN NG SHABU SA DAVAO CITY—Isang policewoman na si Pssg. Shiela Bande ang inaresto ng mga kapwa niya pulis dahil sa pagbebenta ng shabu sa Davao City.
Kaya ‘yung nasa “Duterte Legacy” na 16,706 barangays na ang drug-free sa bansa, malamang, fake news ‘yan kasi kung sa mismong lugar ng pangulo sa Davao City ay hindi natitigil ang bentahan ng shabu, sa ibang barangay pa kaya? Boom!





Comments