23-anyos nagbigti sa billboard

Lasing umanong umakyat ng billboard saka nagbigti ang 23-anyos na lalaki sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ng Quezon City Police District ang nasawi na si ‘Rey’, 23, binata at maintenance sa kumpanya ng billboard kung saan ito nagbigti.
Batay sa paunang imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Group, alas-8:00 ng umaga nang makitang nakabigti si ‘Rey’ sa billboard na nasa kanto ng Katipunan Avenue at Cinco Hermanos St., Escopa 2.
Isa sa mga nakasaksi na si ‘Joy’ ang nakarinig sa ingay mula sa labas at nang kanyang alamin ay nakita nitong itinuturo na ng mga tao ang lalaki na nasa billboard sa itaas ng kanilang barung-barong.
Agad nagpasaklolo ang mga residente para kunin ang nakabigting lalaki. Nakita sa lugar ang ilang bote ng beer at cellphone.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa lalaki para tapusin ang sariling buhay.





Comments