top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

VFA, wa’ namang silbi, tama lang na ibasura na!

Bobi Tiglao
Jan 27, 2020
3 min read

Tama ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) matapos ang pagkansela ng gobyerno ng Estados Unidos sa U.S. visa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Saludo tayo sa sagot ni Pangulong Duterte sa U.S., siya na siguro ang pinakamatapang na pangulo sa ating buong kasaysayan ng Republika ng Pilipinas.

Dapat lang pangalagaan ng pangulo ang integridad ng ating bansa. Kapag hinayaan lang natin ang U.S., siguradong masasanay ito sa pambabastos sa ating bansa.

Kamakailan, nagpanukala ng batas ang gobyerno ng Estados Unidos para i-ban sa Amerika ang mga opisyal na nasangkot sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

Ang mga senador na miyembro ng Democratic Party ng U.S. ang may pasimuno nito. May posibilidad na sinulsulan ang mga ito ni Loida Nicolas Lewis, ang milyunaryang dilawan na taga-New York at galit na galit kay Pangulong Duterte.

Napakaengot ng mga Kano para ipatupad ang nasabing batas, hindi nila alam na ang detinadong senadora ay nakulong dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Sa totoo lang, napakaluwag ng batas ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa tulad ng China, Thailand, Indonesia at iba pa kung saan ang sinumang nasangkot sa ilegal na droga ay siguradong death penalty ang parusa na maaari nilang makuha.

Si Sen. De Lima ay nakulong matapos magbigay ng mga testimonya ang maraming tao kabilang ang dati niyang “lover-driver” na si Ronnie Dayan, tumanggap diumano siya ng pera mula sa mga drug lord na nasa Bilibid.

Kabilang sa mga na-banned sa U.S. ay si Pangulong Duterte na wala namang interes na pumunta sa bansang ‘yun. Pero, kamakailan lamang ay inimbitahan ni U.S. Pres. Donald Trump si Pangulong Duterte sa Las Vegas para sa pag-host nito ng U.S.-ASEAN Summit ngayong Marso.

Siyempre, tinanggihan ito ng pangulo. Imagine, kapag tinanggap niya ang imbitasyon, malamang ay haharangin siya sa airport, palagay natin ay “scripted” ito ng dilawan.

May kapangyarihan si Pangulong Duterte na ipakansela ang VFA dahil isa lamang itong “agreement” sa pagitan ng dalawang bansa. Hindi ganu’n kaimportante ang VFA dahil kasunduan lamang ito para mag-train nang sabay ang mga sundalong Pinoy at Kano.

Pero sa totoo lang, kayang-kaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ganitong mga training, dagdagan lang ‘yan sa pondo ng gobyerno.

Samantala, ang sensitibong aspeto ng VFA ay ang pagbibigay ng malaking kapangyarihan sa U.S. na protektahan ang mga sundalong Kano na masasangkot sa mga kasong kriminal.

Nasubukan na ito sa kaso ng gang rape na isinampa ni Suzette Nicolas laban kay Daniel Smith at iba pang U.S. Marines noong 2005.

Noong una, nakulong si Smith pero may “magic” na nangyari at napauwi rin ang mokong.

Isa pang kaso na kasangkot ang U.S. military ay ang pagpaslang kay Jennifer Laude ng Olongapo noong 2014. “Transgender” si Laude at ayon sa ulat, ito ang dahilan kung bakit pinatay siya ni U.S. Marine Joseph Scott Pemberton.

Napan at nakulong si Pemberton pero mababa lang ang sentensiya na anim hanggang 12 taon sa ilalim ng kasong homicide sa halip na murder.

Kabilang si Pemberton sa libu-libong Amerikano na sumama sa joint exercises ng U.S. at Pilipinas sa ilalim ng VFA.

Noong kainitan ng kaso ni Laude, marami na ang humihiling na ipakansela ang VFA para maiwasan ang mga insidenteng kriminal tulad nito. Ngayon, dapat lang ipagpatuloy na ang pagbasura sa VFA na wala namang mabuting maidudulot sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page