top of page
Pokwang.jpg

Princess Eowyn, champ sa Commissioner's Cup

Ding Taboy
Jan 27, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Itinanghal na kampeon ang Princess Eowyn sa katatapos na 2020 Philracom Commissioner’s Cup matapos talunin ang apat na kalaban nito sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas kahapon.

Tinalo ni Princess Eowyn ang mga kalahok na Pangalusian Island, Son Also Rises, Pinagtipunan at Eugene Onegin.

Tinapos sa bilis na 1:46 ng Princess Eowyn makaraang tapusin ang distansiyang 1,800 meters pangalawa ang Pangalusian Island.

Tinanggap ni Princess Eowyn ang unang premyong P900,000 bukod sa trophy at sa Pangalusian Island ang P337,500 nang pumangalawa at kay Son Also Rises Ang pangatlong premyong P187,500 habang ang kay Pinagtipunan ay ang P75,000 na dumating na pang-apat.

Sa umpisa ng karera agad na kinuha ang unahan ng Princess Eowyn habang pumangalawa ang Son Also Rises at Pangalusian Island.

Pagsapit sa huling 800 meters unti-unti na nagpapalakas ang mga kabayo hanggang pagsungay sa 600 meters makikitang naglalaban ang Son Also Rises at ang Pangalusian Island habang nauuna ang Princess Eowyn.

Pagsapit sa huling likuan tinangkang habulin ng Pangalusian Island ang Princess Eowyn na nanalo via banderang tapos may apat kabayo ang layo ang alaga ni Eduardo Diokno.

Itinanghal na panalo sa Bienvenido C. Niles Jr. Trophy race ang Indian Warrior sa panimula ng karera sa Race 1. Pinangunahan ng Fortune Island matapos pangunahan ang Jose P. Gutierrez Santillan jr. Trophy Race sa Race 2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page