top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Orcollo, bubuhayin ang larong bilyar sa Kyusi

  • MC
  • Jan 27, 2020
  • 1 min read

Nagpahayag ng suporta si international pool champion Dennis Orcollo upang muling makahanap ng pinakamalulupit na bilyarista sa Quezon City ay idaraos ang kauna-unahang Joy Belmonte Inter - Barangay Amateur 10-Ball Open Billiard Tournament sa Quezon City. Sa kanyang video message sa Facebook noong Biyernes, nanawagan ang US Open champion at multiple Asian at Southeast Asian Games gold medalists sa lahat ng mga bilyarista sa lungsod na sumali at samantalahin ang pagkakataong ipakita ang husay bilang cue artist.

Pinuri ni Orcollo ang pagtataguyod ng bilyar sa Kyus, partikular sa paghahanda ng susunod na henerasyon. “Thank you Mayor on this tournament which our beloved sport badly needs right now. This inter-barangay tournament in Quezon City is a great start to revive the interest of the Filipinos, especially the youth, in billiards,” pahayag ni Orcollo.

Si Orcollo na naka-gold medal sa 30th Southeast Asian Games ay nanirahan sa Barangay Matandang Balara, Q.C. Dismayado na rin daw siya ngayon dahil iilan na lamang ng mga kabataan ang nahihilig sa paglalaro ng bilyar. “Billiard is already dying in the Philippines when we used to dominate and set the standards in this sport. We don’t see tournaments anymore, so we can say that it’s fading,” aniya.

Idinagdag pa niya na mahalaga para sa kanilang mga top pool player Ang torneo bilang paghahanda na rin sa pagkilala sa hanay ng mga panibagong cue artists na uukit ng kasaysayan at mag-uuwi ng karangalan para sa Pilipinas. “Ipagdarasal namin ang tagumpay ng torneo na ito,” dagdag pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page