Kulong at multa sa mangingisda sa Marine Sanctuary
- Persida Acosta
- Jan 27, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, May isang bahagi sa baybayin ng aming bayan na sinasabing marine sanctuary. Pinagbabawalan kaming mangisda sa bahagi ng karagatang ‘yun at ang utos daw ay galing sa aming mayor. Nais naming malaman kung tama ba ang ginagawang pagbabawal sa amin? Hindi ba ito pagkitil sa aming karapatan na mangisda? - Henry
Dear Henry, Nakasaad sa Section 101 ng Republic Act (R.A.) No. 10654 o mas kilala sa tawag na “Philippine Fisheries Code” kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda sa isang marine sanctuary:
Section 101. Fishing in Marine Protected Areas, Fishery Reserves, Refuge and Sanctuaries. – It shall be unlawful to fish in marine protected areas, fishery reserves, refuge, or fish sanctuaries as declared by the department or the LGUs.
Upon a summary finding of administrative liability, the offender shall be punished with confiscation of catch and gear, and administrative fine of twice the value of the catch or the amount indicated below, whichever is higher:
(1) Twenty thousand pesos (P20,000) for municipal fishing: Provided, that if the offender fails to pay the fine, community service shall be rendered;
(2) Two hundred thousand pesos (P200,000) for small-scale commercial fishing;
(3) Six hundred thousand pesos (P600,000) for medium-scale commercial fishing; and
(4) One million pesos (P1,000,000) for large-scale commercial fishing.
Upon conviction by a court of law, violation of this provision shall be punished by imprisonment of two (2) years to six (6) years and a fine twice the amount of the administrative fine, confiscation of catch and gear, and cancellation of license or permit.
Maliwanag sa nabanggit na batas na mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda sa isang bahagi ng karagatan na idineklarang bawal manghuli ng isda. Ang nasabing pagbabawal ay ipinatutupad para rin sa kapakanan ng mga tao. Sa nasabing mga lugar nangingitlog at nagpaparami ang mga isda kaya sa kalaunan, ang mga mangingisda rin ang makikinabang dito.
Ibig sabihin, maaari kayong pagbawalan ng inyong mayor na mangisda sa nasabing lugar. Ang sinumang mahuling lumalabag sa alituntunin ay maaaring makulong o pagbayarin ng multa.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.




Comments