Coronavirus outbreak.. Hong Kong Disneyland, isinara

Pansamantalang isinara ang Hong Kong Disneyland kasunod ng coronavirus outbreak sa China.
Sa inilabas na pahayag sa kanilang website, ang nasabing aksiyon ay bahagi ng precautionary measure upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Layon anila nitong maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga guest at cast member.
Mananatili namang bukas ang Hong Kong Disneyland Resort hotels.
Sinabi naman ng theme park na balido ang Standard Park Ticket sa loob ng anim na buwan mula nang binili ito.
Maaari naman anilang umasiste ang Hong Kong Disneyland Resort sa mga guests na nais i-refund ang nabiling ticket para sa admission ng Hong Kong Disneyland park o resort hotel.





Comments