top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Bulkang Taal, ibinaba ang alerto.. ‘Wag mag pakampante — Palasyo

  • Mylene Alfonso / V. Reyes
  • Jan 27, 2020
  • 2 min read

Wala umanong dahi­­lan para mag­pakampante ang gobyerno matapos ibaba ng Philippine Institute of Vol­canology and Seis­mology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

“Hindi naman nagla-lie-low ang gobyerno. Palagi tayong on our toes pag­da­ting sa panganib. Palagi ta­yong nakahanda,” ani Panelo.

“Kaya nga hindi ba ang naging posisyon natin d’yan ay ‘wag bumalik sapagkat doon sa mga lugar nila na tinitirhan at pinagtatraba­huhan sa­pag­kat nanganga­nib pa,” saad ni Panelo.

Kasabay nito, hinimok ni Panelo si Phivolcs Di­rector Renato Solidum na ba­guhin ang opinyon kaugnay sa banta ng Bulkang Taal hinggil sa susunod nitong pagsabog.

Giit pa ni Panelo, ang national go­vernment pa rin ang may final say kung kailan makababalik ang mga bakwit sa kanilang mga tahanan sa kabila ng pag-aalala ng mga local executive pero dapat pa rin sundin ang protocol.

“Siyempre, ang natio­nal govern­ment. Kung sino ang nasa taas, ‘yun ang masu­sunod. But we can under­stand the concerns of the local au­thorities. Puwede naman nilang sabi­hing as far as they’re concerned okay na ‘yung… wala ng pa­nganib. So they can recom­mend and the national go­vernment will evaluate,” wika ni Panelo.

“Pero siguro kung ano ‘yung protocol sa ngayon, kung sinabing the areas in the periphery of the Taal, with respect to a certain range, ay hindi na mapanganib, pu­wede na ring bumalik doon. Pero ‘yung iba hindi pupu­wede. Kailangan sundin natin,” ayon pa sa kalihim.

Samantala, kasabay ng pagpapa­salamat, nakiusap naman ang mga nangangasiwa sa Batangas, sa mga donors na huwag nang magbigay ng mga damit dahil sobra na umano ang supply.“Sobra-sobra ang aming natatanggap. Kung mapapansin mo ang ating mga evacuees halos nagsawa na sa pagpili o pagkuha ng damit na kanilang mapapakinabangan," ayon sa isang opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page