top of page

NBA legend Kobe Bryant pumanaw sa edad na 41

  • Bulgar Breaking News
  • Jan 27, 2020
  • 2 min read

California — Pumanaw na ang retired NBA Legend at Basketball Icon na si Kobe Bryant sa edad na 41, matapos mag crash ang private helicopter na sinasakyan nito sa Calabasas, California.

Siyam ang kumpirmadong namatay sa sinasabing aksidente, kabilang ang anak ni Kobe Bryant na si Gianna Bryant. Patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng pagbagsak nito.

Sa loob ng 20 taon ng career ni Bryant bilang manlalaro ng Los Angeles Lakers, nakapagtala ito ng 5 kampiyonato (2000, 2001, 2002, 2009, 2010). Taong 2008, bagama't natalo ang Lakers sa NBA Finals ng taong ito ay dito naman nakamit ni Kobe ang kanyang kauna-unahang MVP sa regular season, habang pinamunuan naman ni Kobe ang grupo upang maging back-to-back champion ng taong 2009-2010 kung saan nakamit nito ang Finals MVP sa magkasunod na taon.

Nagkamit din ng apat na ALL Star MVP si Kobe at napantayan ang record ni Bob Pettit sa pinakamaraming ALL Star MVP title sa NBA history. Nanalo naman ng gold medal si Kobe Bryant sa taong 2008 at 2012 Summer Olympics bilang miyembro ng US National Team.

Photo: Makikita sa kalayuan ang lugar na sinasabing pinagbagsakan ng helipcopter na sinasakyan ng 9 katao kabilang ang NBA legend na si Kobe Bryant at gayundin ang kanyang babaeng anak na si Gianna.

Photo: Maraming mga fans ang nagtipon-tipon gayundin ang mga residenteng nakatira malapit sa mismong lugar na pinangyarihan ng insidente na nag-aabang ng mga karagdagang balita sa pangyayari ng pagbagsak ng sinasakyang helicopter na kinasawi ng 9 katao kabilang ang NBA legend Kobe Bryant, anak na si Gianna kasama ang piloto nito.

Photo: Kuha sa ere na sinasabing pinagbagsakan ng sinasakyang helicopter ng NBA legend Kobe Bryant at anak na si Gianna, patuloy ang pagsisiyasat sa lugar ng pangyayari. 9 katao ang sakay ng nasabing helicopter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page