Alerto sa bulkang Taal, ibinaba na

Nasa Alert Level 3 na ngayon mula sa dating Alert Level 4 ang Bulkang Taal sa Batangas ngunit, nananatili pa rin ang panganib na magkaroon ng pagsabog.
Sa Taal Volcano bulletin na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bumaba na ang mga aktibidad na namo-monitor sa nakalipas na dalawang linggo mula nang sumabog ang bulkan noong Enero 12.
Tinukoy nito ang bumabang bilang ng mga naitatalang volcanic earthquakes ng Philippine Seismic Network na mula sa mahigit 900 kada araw ay nasa 27 na lang habang ang Taal Volcano Network ay nakapagtatala ng 420 na pagyanig mula sa dating 944 kada araw.
Nabawasan na rin ang pagbuga ng abo at ang antas ng sulfur dioxide mula sa main crater ng Taal.





Comments