top of page

Iba’t ibang paraan para maiwasan ang pagkasira ng ngipin

  • Shane Ludovice
  • Jan 26, 2020
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Ang tubig na iniinom ng anak ko ay may fluoride. Sa totoo lang, mataas ang presyo nito pero dahil pumuti at tumibay ang ngipin ng anak ko ay pinagtiyagaan ko pa ring bilhin. Pero nang umuwi galing Saudi ang asawa ko ay napilitan kami na magbago ng budget plan kaya sa kasalukuyan ay nagbago na kami ng inumin. Gusto kong malaman, ano ang sanhi ng pagkabulok ng ngipin at ano ang dapat gawin para maiwasan ito? - Cattleya

Sagot Ang pagkabulok ng ngipin o dental caries ay maaaring magdulot ng mga butas o pinsala sa mga ito. Ang unang palatandaan ng dental caries ay maaaring ang mga “puting batik” sa mga ngipin na karaniwang malapit sa linya ng gilagid. Sa maagang yugtong ito, posibleng maayos ang pinsala sa pamamagitan ng angkop na kalinisan sa bibig.

Kung hindi ginagamot, ang mga puting batik na ito ay maaaring maging mga butas. Ang mga butas ay tinatawag na cavities. Ang cavities ay maaaring magmantsang kulay kape o itim at maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa ngipin.

Ito ay dulot ng pagpapanibagong-anyo ng bakterya sa plaka ng ngipin ng asukal na ating kinakain upang maging asido. Inaatake nito ang enamel ng ngipin na sanhi upang mawala ang mga mineral mula sa ibabaw (demineralisasyon). Sinusubukan ng katawan na natural na bumawi mula sa ‘demineralization’ sa pamamagitan ng pagsipsip ng mga nawalang mineral patungo sa laway ng bibig.

Ito ay nangyayari kapag kumakain o umiinom tayo. Ang madalas na pagkain at pag-inom ng matamis ay sanhi ng pagkabulok ng ngipin. Ang pag-inom ng tubig na mayroong fluoride ay makatutulong upang protektahan ang ngipin laban sa pagkabulok.

Ang fluoride sa laway ay bumibigkis sa mga mineral na nawala mula sa ngipin at tumutulong sa remineralisasyon.

Paano maiiwasan ang pagkasira ng ngipin? • Limitahan ang matamis at maasidong mga pagkain at inumin. • Regular na magsepilyo

, partikular kapag kumonsumo ng matatamis na pagkain at inumin. • Makatutulong ang pagnguya ng sugar free gum para dumami ang laway. • Uminom ng maraming tubig. • Magtungo sa dentista para malaman ang dapat gawin tulad ng cleaning, pasta sa sirang ngipin kung mayroon at kinakailangan ng regular na pagbisita sa dentist dalawang beses sa isang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page