top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Cyberlibel vs. local foundation at ilang journalists, kasado na

Mylene Alfonso
Jan 26, 2020
1 min read

Isang miyembro ng local foundation at ilang journalists ang inaasahang makasuhan ng cyberlibel ng isang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Secretary to the Mayor Bernie Ang, dahil ito sa malisyosong pagdawit umano sa kanya sa isang multi-million estafa case.

Ang pagsasampa ng kaso ay kasunod ng hakbang ng World Medical Relief Inc. (WMRI), isang 67-taon na charity organization na nakabase sa Michigan, USA, na magsasampa rin ng katulad na kaso laban kay William J. Lima, dating miyembro ng Board of Trustee ng WMR-Philippine National Business and Coordination Center Foundation Inc. (PNBCCFI).

Ito ay may kaugnayan sa isang artikulo na umano’y nanira sa karangalan ng philanthropic mission ng WMRI sa Pilipinas.

Itinanggi nina Ang at WMRI President at Chief Executive Officer George Samson ang alegasyon na nagtatapon sila ng medical wastes sa Pilipinas o sa ibang panig ng mundo o nagkakaloob ng gamot nang walang kaukulang permiso sa US regulatory offices.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page