Bukod sa 41 katao.. Doktor patay sa coronavirus

Patay ang isang doktor na nasa frontline ng paglaban sa 2019 Novel Coronavirus sa Wuhan City, China matapos umanong dapuan ng virus.
Sa ulat ng China Global Television Network, si Dr. Liang Wudong, 62, ay doktor sa Hubei Xinhua Hospital na nasa frontline ng coronavirus outbreak.
Si Wudong ay retirado na umano pero, tumulong ito sa paggamot sa mga pasyente na dinapuan ng virus. Gayunman, matapos ang ilang araw ay dinapuan din ito ng virus at namatay.
Sa pinakahuling ulat, nasa 42 na umano ang nasawi dahil sa coronavirus na ito habang mahigit isang libo na ang dinapuan nito sa China.
Ipinaiiral na rin ang lockdown sa Wuhan City sa pagsisikap na mapigilan ang lalong pagkalat ng virus.





Comments