Buking na walang permit.. Chinese clinic, ipinasara
- Gina Pleñago
- Jan 26, 2020
- 1 min read

Ipinasara ang isang Chinese clinic na sinasabing ilegal na nag-o-operate dahil walang kaukulang permit ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Makati.
Batay sa Makati Business Permit and Licensing Office, isinilbi ang closure order alas-11:00 ng gabi sa pangunguna ni Bert Pagente, hepe ng MBPLO sa Sampaloc St., Bgy. San Antonio ng nasabing lungsod matapos lumabag ang may-ari nito sa City Ordinance No. 2004-A-025.
Ito ay matapos mapatunayang nag-o-operate ang klinika nang walang business permit o mayor’s permit.
Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing klinika dahil nang ipaskil ang closeure order ay wala ng taong nagpunta o nagpakita rito.
Umapela naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na maging mapagmatyag sa kanilang lugar at agad i-report kung may mga establisimyento sa kanilang lugar na ilegal ang operasyon.
Maaaring tumawag sa Makati City Police Station sa numerong 887-1798 o sa 0929-793-6525.





Comments