top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

79 yrs. old patay sa sunog

Gina Pleñago
Jan 26, 2020
1 min read

Isang 79-anyos na lola ang nasawi nang masunog ang 14 na kabahayan kung saan 20 pamilya ang nawalan ng tirahan kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay City Fire Marshal Supt. Edgar Tanawan, ang biktima na si Corazon Gamboa, 79, ng Bgy. 79, Zone 10 makaraang hindi makababa hanggang sa ma-suffocate ito sa nangyaring sunog.

Alas-12:45 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa isa sa mga bahay sa lugar kung saan agad kumalat sa mga katabi pang kabahayan.

Umabot sa tatlong alarma ang sunog bago idineklarang under control alas-2:45 ng madaling-araw at tuluyang naapula alas-3:40 ng madaling-araw.

Sa mopping operation, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Gamboa sa ikaapat na palapag ng tinitirhang bahay. Ayon sa mga residente, halos hindi na umano makalakad ang matanda dahil sa iniinda nitong sugat sa paa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page