top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ST. Clare Caloocan, hindi pinaporma ang scorpions

  • A. Servinio
  • Jan 25, 2020
  • 2 min read

Binuksan ng Saint Clare College of Caloocan ang aksyon sa 2019 National Collegiate Championship NCR Eliminations sa pamamagitan ng isang mahusay na 80-68 na tagumpay sa matagal na karibal na Centro Escolar University sa Paco Arena noong Huwebes. Nagbida sina Mohamed Pare at Joseph Peñaredondo sa second half upang palayuin ng todo ang Saints matapos ang isang mahigpitang palitan noong first half.

Tabla ang laro sa unang quarter, 19-19, at halftime, 35-35, subalit, ipinakita ni Pare kung bakit siya ang kasalukuyang Most Valuable Player ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa paggawa ng 12 direchong puntos ng Saints upang lumamang papasok ng huling quarter, 56-50. Si Peñaredondo ang pumutok at pinasok ang lahat ng kanyang 11 puntos upang lipulin ang lahat ng tangkang bumalik ang Scorpions, ang kampeon ng Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA).

Nagtapos si Pare na may 27 puntos habang nag-ambag din ng malaki si point guard Joshua Fontanilla na may siyam na puntos at reserbang si Jan Dominic Formento na may 9 na puntos din. Inalay ng koponan ang panalo kay Coach Jinino Manansala na lumiban sa laro dahil sa kanyang parating na kasal at pansamantalang hinawakan ang Saints nina Coach Mark Ballesteros, Coach Sunny Ojales at consultant Coach Jimmy Manansala. Kabisadong-kabisado ng mga bata ang sistema ni Coach Jino pati na ang balasahan ng player kaya ginabayan lang namin sila,” wika ni Coach Ballesteros. Sa panig ng CEU, ito ang unang opisyal na laro ng bagong talagang coach na si Jeff Napa na isang linggo na sa trabaho.

Nanguna para sa Scorpions sina Rich Guinitaran na may 13 puntos at Jerome Santos na may 12 puntos. Gumawa agad ng 11 puntos si John Cayno Carandang sa first half pero na-blanko siya sa second half.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page