top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pasok sa kolehiyo ng mga nasa danger zone, i-adjust — CHED

  • V. Reyes
  • Jan 25, 2020
  • 1 min read

Inirekomenda ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kolehiyo na pasok sa 14-kilometer radius danger zone na i-adjust o baguhin ang kanilang academic calendar.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, dahil nagsimula na ang 2nd semester para sa School Year 2019-2020 at kanselado pa rin ang mga klase kaugnay sa pagputok ng Bulkang Taal, kailangang maghabol sa klase ang mga mag-aaral.

Dahil dito, posible aniyang maapektuhan ang graduation ng mga 4th year college gayundin ang mga semester break.

Maaari aniya kasi na kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon sa Batangas ay magdidikit ang pagtatapos at pagsisimula ng semester sa mga higher education institution (HEI).

Samantala, sinabi ni De Vera na mahigit 30,000 college students ang naapektuhan dahil sa mga suspensiyon ng klase sa permanent danger zone.

Apat na HEI aniya ang napinsala rin dahil sa mga bitak kung saan dalawa sa mga ito ay nasa bayan ng Lemery, isa sa Agoncillo at isa sa Taal.

Wala pa namang datos ang CHED sa kung magkano ang pinsala sa mga paaralan na idinulot ng pagputok ng bulkan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page