top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Du30, galit sa korup pero pork barrel ng mga Cong., aprub!

Pabs Hernandez III
Jan 25, 2020
2 min read

13.1 MILYONG PINOY SA BANSA, AMINADONG NAGHIHIRAP PERO ANG RATING NI P-DUTERTE SA SURVEY NG SWS, MATAAS PA RIN—Sa survey ng SWS noong Jan. 21, 2020, nakakuha raw ng 82% high satisfaction rating si P-Duterte mula sa publiko.

Samantala, makalipas ang dalawang araw, naglabas ulit ng survey ang SWS na pumalo raw sa 13.1 milyong Pinoy ang naghihirap sa ilalim ng Duterte administration.

Ano ba ang gustong palabasin ng SWS sa magkasunod na survey, natutuwa ang mga Pinoy na naghihirap sila ngayong panahon ng Duterte gov’t. kaya minarkahan nila ng 82% high satisfaction rating si P-Duterte? Boom!

◘◘◘

HATE NI P-DUTERTE ANG KORUPSIYON PERO DEDMA LANG SA “PORK BARREL”—Kapag may mga panayam o speech si P-Duterte, madalas niyang sabihin na ‘hate’ niya ang korupsiyon, pero nang lagdaan niya ang P4.1 trillion National Budget kamakailan ay hindi naman niya ibinasura o ibineto ang mga ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa “pork barrel” na isiningit ng mga congressman sa 2020 National Budget.

Alam ng pangulo at ng publiko na ang “pork barrel” ay isa sa mga ugat ng korupsiyon sa bansa at napatunayan ito nang pumutok ang kontrobersiyal na “pork barrel” scam ni Janet Lim-Napoles at ilang mambabatas, tapos dinedma lang ni P-Duterte ang mga isiningit na “pork” ng mga congressman sa 2020 National Budget, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

DAHIL SA PAGKANSELA SA U.S. VISA NI SEN. ‘BATO’, RELASYONG AMERIKA-PILIPINAS, GUSTO NANG PUTULIN NI P-DUTERTE—Nagbanta si P-Duterte na ite-terminate raw niya ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng U.S.-Philippines kapag hindi ibinalik ng Amerika ang kinanselang U.S. visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Aba, malakas pala talaga si Sen. Dela Rosa kay P-Duterte, mantakin n’yo, dahil sa pagkansela sa kanyang U.S. visa, pinag-iisipan na ngayon ng pangulo na putulin ang matagal nang relasyon ng Amerika at Pilipinas, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page