Coronavirus, trangkaso lang ang sintomas pero walang gamot at nakamamatay
- Ka Ambo
- Jan 25, 2020
- 1 min read
Tinanggalan ng U.S. visa si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Bilang resbak, iniutos na ni P-Digong ang proseso sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
NAGBUGA ulit ng abo ang Bulkang Taal.
Puwede na raw bumalik sa kanilang bahay ang makukulit na residente.
Pero, hindi na sila sasagipin — bahala sila sa buhay nila!
◘◘◘
NANGANGAMATAY na ang mga hayop na nasagip sa volcano island.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BARGAIN na ang karne sa Tagaytay.
‘Yan ang “almost double dead”!
◘◘◘
USAP-USAPAN ang hindi maawat na pagkalat ng novel coronavirus. Sa ngayon ay “two percent” na ang mortality nito.
Sa 100 na tatamaan ng flu, dalawa ang mamamatay.
Sa 1,000 magkakasakit, 20 ang matetepok.
Sa isang milyong tatamaan, 20,000 ang madededbol!
◘◘◘
KAPAG two percent ang mortality, sa 10 milyong magkakasakit — 200,000 ang mamamatay.
Sa ngayon, naka-lockdown ang dalawang siyudad sa China at ilang bayan na may 25 milyong populasyon!
◘◘◘
NAKAKATAKOT ang two percent mortality sapagkat kumakalat ito sa buong mundo na may humigit- kumulang 7 bilyong katao.
Sa 100 milyong katao na magkakasakit, ang two-percent dito ay 2 milyong katao.
Walang gamot sa coronavirus na ang sintomas ay karaniwang trangkaso!
◘◘◘
AKTUWAL nating nararanasan na kapag may trangkaso ang miyembro ng pamilya, lahat halos ng nakatira sa iisang bahay ay nahahawa.
Pero, dahil ordinaryong trangkaso — walang namamatay.
Pero sa novel coronavirus — karaniwang namamatay ang may mahihinang kalusugan — tulad ng matatanda, sanggol, madalas magpuyat o maysakit!
◘◘◘
KAPAG tumama ang NCV sa isang ospital — maaaring malipol ang mga pasyente dahil maging ang mga doctor at medical staff ay mahahawa.
Marami nang eksperto ang nababahala!





Comments