Anak mo, Sharon, may hugot daw… Frankie, ipinagtatanggol ang mga babaeng kabit
- Beth Gelena
- Jan 25, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @kakiep83
Sa social media account ni Frankie Pangilinan, may tanong ang dalaga ni Sharon Cuneta. Aniya, bakit daw kapag nagkahiwalay ang magkarelasyon ay babae agad ang pini-pinpoint na third party?
Ani Frankie (as is sa Twitter niya): “Why everyone always gotta attack the ALLEGED third party – who ALWAYS turns out to be a woman – in the situation? Why is it never the man being attacked and always the SUPPOSED kabit? Y’all weird.”
May nagtanong na netizen sa kanya, “Kung alam ng girl na may jowa and she still does all the pa-cute, papansin and accommodate the guy, is she blameless? Mas maiintindihan mo ‘pag personal experience.”
Ayon kay Frankie: “Did I say blameless? The point is, also that is someone would’ve very willingly had to make pansin the pa-cute. Stop blaming the women unless you do so just as staunchly with the man. PERIOD.”
Ayon sa mga netizens, pa-relevant umano ang anak ng Megastar, pero may point naman daw si Frankie.
“It’s looking at bigger picture kesa ‘yung nakikitsismis lang.”
Samantala, sa comment section ng post ni Frankie, may nagsabing mukhang may hugot ang anak nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan. Hindi lang daw nila knows kung may pinatatamaan ang Mega daughter.






Comments