top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Sarado pa rin ang isip nila kahit matanda na ang anak… Pamilya ng singer-actress, todo-tutol sa kasa

Erlinda Rapadas T.
Jan 24, 2020
1 min read

BLIND ITEM:

Awang-awa kami sa isang singer-actress na nababalitang ibo-boycott ng sarili niyang pamilya ang kanyang pagpapakasal sa boyfriend na gagawin abroad.

Wala raw balak na pumunta ang partidos ng singer-actress sa big event sa buhay niya. Tutol na tutol daw kasi ang pamilya niya sa kanyang pagpapakasal, kahit na llebo tres na siya at nasa edad na upang mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya. Talagang titikisin daw ng sarili niyang pamilya ang singer-actress.

Marami ang naaawa sa mabait at masunuring singer-actress dahil mula pagkabata ay subsob siya sa pagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Marami nang naipundar na properties ang kanyang mga magulang. Napag-aral na rin niya ang kanyang mga kapatid.

Bakit hindi pa siya bigyan ng kalayaan ng kanyang pamilya upang lumigaya naman ang kanyang buhay sa piling ng lalaking kanyang minamahal?

Kulang pa ba ang sakripisyo niyang ginawa mabigyan lang ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page