Pork barrel ng mga cong., sobra-sobra pa kung ipantutulong sa Taal victims
“PORK BARREL” NG MGA CONG., SOBRA-SOBRANG PANTULONG SA MGA BIKTIMA NG TAAL ERUPTIONS — Humirit si P-Duterte sa Kongreso ng P30 billion supplemental budget para pantulong sa mga biktima ng Taal eruptions.
Sa totoo lang, kung tatanggalin lang ni P-Duterte ang milyones na “pork barrel” ng mga congressman at ilagay ito sa calamity fund, siguradong hindi lang P30 bilyon, sobra-sobra pa ang malilikom na pera para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal, period!
****
U.S. VISA NI SEN. DELA ROSA, TOTOONG KANSELADO — Kinumpirma mismo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kinansela ng U.S. gov’t. ang kanyang U.S. visa.
Sa ilang panayam, sinabi nitong ang pagkansela sa kanyang visa ay may kaugnayan sa madugong giyera kontra ilegal na droga ng kasalukuyang gobyerno kung saan siya ang PNP chief noong mga panahong ‘yun.
Naku po, sino kaya sa tropang Duterte ang susunod kay Sen. Dela Rosa na aaming kanselado na rin ang kanilang U.S. visa? Abangan!
****
TROPA NI MOCHA, IMBES NA TUMULONG, SINISIRAAN PA ANG MGA TUMUTULONG — Ayaw lubayan ng tropa ni Mocha Uson ang ginagawang pagtulong ni VP Leni Robredo sa mga biktima ng Taal eruptions kung saan ‘fake news’ pa more sila.
Pambihira ang mga tropa ni Mocha, imbes na manawagan sa lahat na tumulong, paninira ang kanilang inaatupag. Tsk-tsk-tsk!
****
PANGALAN NI EPD GEN. ALMAZAN, GINAGAMIT SA RAKET NI “MAKOY” — Isang parak na kilala sa tawag na “Makoy” ang gumagamit daw sa pangalan ni EPD Director Brig. Gen. Johnson Almazan para makapanghingi ng “tongpats” sa mga lotteng lord na sina “Kapre” at “Egay” sa Marikina City; “Cris” at “Rose” sa Pasig City; “Kiko”, “Bulag” at “Duran” sa San Juan; “Dodo”, “Jerry” at “Edmon” sa Mandaluyong City at STL-Pares ni “Kit” sa buong south sector ng Metro Manila.
Kung hindi alam ni Gen. Almazan ang raket ni “Makoy”, aba, napakahina naman ng intelligence network ng EPD director, kasi ginagamit na sa “tongpats collection” ang kanyang pangalan, “nganga” lang siya, boom!





Comments