top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bar na sex den, buking

Gina Pleñago
Jan 24, 2020
1 min read

Nailigtas ang 31 babae nang salakayin ng mga operatiba ng Makati City Police ang isang bar na umano’y ginawang prostitution den, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ni Makati City Police Chief P/Colonel Rogelio Simon, alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng surveillance, entrapment at rescue operations ang mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) at Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) sa Ihaw-Ihaw Atbp Bar and Restaurant sa Bgy. Palanan, Makati City.

Nauna rito, naglunsad ng surveillance ang mga awtoridad kaugnay sa impormasyong naging pronto ng umano’y prostitusyon o illegal sexual activities sa nabanggit na bar hanggang sa mabatid na sinasabing nagpapalabas ng mga babaeng sumasayaw nang nakahubo’t hubad at nag-aalok ng panandaliang-aliw.

Agad nagkasa ng pagsalakay ang mga pulis sa establisimyento at dito nadatnan ang 31 babae na nagsasayaw nang hubad. Nabuko rin ng mga awtoridad na nag-o-operate ang bar kahit expired na ang business permit nito, gayundin ang mga nagtatrabaho rito ay pawang paso na rin ang working/health permits.

Hinuli rin ang 15 empleyado, 21 Pinoy at 3 lalaking Indonesian na pawang mga customer/guest sa naturang bar upang sumailalim sa interogasyon, profiling at dokumentasyon kaugnay ng insidente.

Nakatakdang dalhin ang 31 babaeng na-rescue sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page