Adbokasiya ng Takbo sa Kalikasan isiniwalat ng Green Media sa TOPS
- MC
- Jan 24, 2020
- 2 min read

Upang makatulong sa patuloy na adbokasiya ng mga pribadong sektor na mapanatiling malinis ang kapaligiran, ang mga mananakbong may malasakit sa kalikasan ay inaasahang lalahok sa 4th edition ng Takbo sa Kalikasan, 2020 na sisimulan sa Mayo 31 at ang unang yugto ay ang Fire Run.
Sa pagbisita sa Tabloids Organization in Philippines Sports (TOPS) Usapang Sports 52nd edition, ayon kay Ms. Jenny Lumba, ang Green Media Event organizer, bago pasimulan ang first series ng event ay idaraos din ang pagsuporta nila sa LGBTQ ang Running Divas Manila sa Pebrero 16 sa CCP Complex Pasay City upang magpasalamat dahil sila ang mga pangunahing tumatangkilik ng fun run at nagbibigay inspirasyon sa marami pang palaganapin ang susunod nilang mga programa tulad ng pride run at #lovewins advocacy.
“Patuloy po ang aming community outreach tulad noong nakaraang taon kung saan ang Green Media events team at ilang volunteers namin ay namahagi ng groceries, medicines at feeding programs sa kanilang missionaries of charity home of joy for the sick children at lalo na nitong mga naapektuhan ng bulkang Taal ay sisikapin naming makapagpaabot din sa kanila ng tulong,” ani Lumba na hinikayat din ang runners na magdala na sarili nilang mga lalagyan ng tubig habang tumatakbo upang mabawasan ang pagtatapon ng mga plastic cups sa mga daraanang ruta at makatulong sa maayos na kapaligiran.
Hinikayat din ni Fritz Labastida, ang running ambasaddress at tinaguriang barefoot diva ng event ang mga kalahok sa 3-km,5-km, 10-km at 16-km na huwag mag-atubiling lumahok para na rin manatiling malakas at malusog ang pangangatawan.
”Marahil sa rami ko pong napapasayang mga tao at naging inspirasyon na ako ng mga runners dahil sa pagtakbo kong walang sapatos dahil sa napakamahal ng mga branded na shoes ay pinagkatiwalaan na po ako ng event na ito para mapalaganap pa ang kanilang adbokasiya.
Inaanyayahan po namin kayo na lumahok at subukan ang malusog na ehersisyo ng pagtakbo,” tugon ni Labastida nang tanungin ng TOPS media sa National Press Club kahapon.
Binubuo ang event series ng apat na elemento ng daigdig kung saan ang 2nd edition ay sa Hulyo 19 na Water Run, sa Set. 20 ang Air Run at ang 4th edition ay ang Earth Run sa Nob. 22.
Idaraos din ng Green Media ang Sili run sa Abril 26 at Tara Run N Apo sa Hunyo 26. ()





Comments