top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Utol na itinalagang mangasiwa sa negosyo ‘pag namatay ang may-ari, invalid kung walang dokumentong p

  • Persida Acosta
  • Jan 23, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Nagtayo ng sariling negosyo ang kapatid ko at inirehistro niya ito bilang one person corporation (OPC). Ang sabi pa niya ay ako raw ang kanyang itinalaga bilang nominee ng kanyang korporasyon kung saan sa pagkakataong siya ay mawalan ng kapasidad o mamatay, ako ang mangangasiwa ng nasabing korporasyon. Wala siyang ipinakitang anumang dokumento sa akin upang makumpirma ko kung totoo ito. Nais kong malaman kung maaari ba niyang gawin ‘yun? - Rey

Dear Rey, Maliwanag na nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 11232 o mas kilala bilang “Revised Corporation Code of the Philippines,” partikular sa Section 124 ng nasabing batas na:

“Section 124. Nominee and Alternate Nominee

xxx xxx xxx

The written consent of the nominee and alternate nominee shall be attached to the application for incorporation. Such consent may be withdrawn in writing any time before the death or incapacity of the single stockholder.”

Samakatwid, ang pagtalaga sa inyo ng inyong kapatid bilang nominee ng kanyang korporasyon ay walang bisa kung ito ay hindi ninyo sinang-ayunan. Ang inyong written consent, na nagpapakita ng inyong pagpayag sa inyong pagkakatalaga bilang nominee ay marapat niyang isumite kasama ang aplikasyon ng kumpanya bilang OPC. Nakasaad din sa nasabing batas na ang inyong pagsang-ayon sa inyong pagkakatalaga bilang nominee ay maaari ninyong bawiin sa pamamagitan ng isa ring kasulatan, bago mamatay o mawalan ng kapasidad ang nag-iisang stockholder ng korporasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page