top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pamatay-sunog na robot, palit sa mga bumbero, mas safe pa

Isko Moreno
Jan 23, 2020
1 min read

Noong Lunes, ipinakilala natin si Melchor Duka, 33 taon nang empleyado ng City General Services Office ng Lungsod ng Maynila.

Hindi alintana sa kanya na city hall ang pansamantala niyang tahanan mula Lunes hanggang Biyernes at umuuwi lamang kapag Sabado sa kanilang tirahan sa Cavite.

Sa loob ng mahabang panahon na pagtatrabaho sa city hall, marami ang nakasaksi sa sakripisyo nito magampanan lamang nang maayos ang kanyang trabaho.

Kaya naman, bilang pagkilala sa kanyang inialay na serbisyo sa lungsod, ginawaran natin siya hindi lang ng smartphone kundi pati pabahay para sa kanyang pamilya nang sa gayun ay maging komportable ang kanilang pamumuhay. At ang pinakamaganda, itinodo natin ang kanyang pagle-level-up dahil siya ay permanente nang empleyado sa city hall!

Hangad nating maging inspirasyon sa napakaraming manggagawa si Melchor, gayundin, ipagpatuloy nito ang mabuting pagtatrabaho. Mabuhay kayo!

◘◘◘

Kamakailan, ipinakita sa atin ang kakayahan ng bagong Firefighting Robot ng Manila Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para sa kapitolyo ng bansa.

Ito ang LUF 60, remote-controlled na unmanned firefighting machine kung saan kaya nitong patayin ang sunog dahil sa lakas ng pressure ng tubig at kakayahang abutin ang apoy na tumutupok sa matataas na establisimyento o may taas na 50 hanggang 80 feet.

Bukod dito, maiiwasan din ang peligro para sa mga bumbero, partikular sa mga malalaking sunog. Walang sinuman ang may gusto ng anumang trahedya pero kailangan nating maging handa kung sakaling may mga ganitong insidente. #BagongMaynila

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page