top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Laban ng Lahi 4th Edition Platoon Run lalarga na

MC
Jan 23, 2020
2 min read

Aalimbukay na ang alikabok sa patakbong inyong pinakahihintay na may napakalaking premyo. Ito ay ang 4th Edition ng Laban ng Lahi Platoon Run na may temang One Nation, One People at One Philippines na may habang 23-km na lalarga sa Bislig City, Surigao Del Sur sa Set. 17, 18 at 19, 2020.

Ayon kay Race Director Nick Gandeza, sa Cabadbaran City, Agusan del Norte unang nagkampeon sa 3rd edition ang Running Team Calabarzon (RTC) mula sa Laban ng Lahi 23k Platoon Run Challenge na nabiyayaan ng P1-milyong piso.

Aniya, mas pinalaki umano ngayon ang premyo para sa mga lalahok na grupo ng mga mananakbo na bubuuin ng 33 katao, 30 kalalakihan at 3 kababaihan. “ Laban ng Lahi is not just about platoon running competition, it is also about creating economic activities, promoting Filipino cultural heritage and supporting the country’s tourism industry,” ani Gandeza nang makapanayam ng BULGAR na nakatakdang humarap sa isang media conference para sa mga detalye ng challenge.

Awtomatikong seeded na ang runners ng RTC Platoon Run Team na defending champion na nakapagtala ng sub42mins sa 10-km. Sa mga nais lumahok, ang criteria/qualification ng mga nais lumahok sa platoon run team ay dapat lampasan ang qualifying time.

Ikalawa ay dapat magtulungan ang bawat isa sa team, may koordinasyon, susunod sa team guidelines at procedures.

Taglay ng bawat isa ang teammanship, sportsmanship, camaraderie, may self discipline, matibay ang teamwork at handang lumarga sa mga petsang Setyembre 17, 18 at 19 (Race Day), 2020.

Handang dumayo sa Bislig City at pasyalan ang natatagong ganda ng Tinuy-an Falls. Handang ibahagi ang kanilang nalalaman at mga ideya para sa kapakanan at ikaoorganisa ng team.

Walang alinlangan sa paglahok, importante ang ganda ng ugali o attitude, magsisilbing role model at magandang ehemplo bilang runner. Tatakbo hindi dahil sa premyong nakataya kundi sa pagmamahal sa sports ng running. May pusong mapagkumbaba tulad ng tinaglay ng nakaraang LNL Platoon Run Champion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page