top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

DOTr-LTFRB nahilot.. Angkas, JoyRide ay iba pa, tuloy

  • V. Reyes
  • Jan 23, 2020
  • 1 min read

Hindi na muna huhulihin ang mga bumibiyaheng motorcycle taxi sa bansa matapos maayos ang gusot sa pagitan ng Angkas at iba pang operator at ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation, pumayag na ang LTFRB na hindi isara sa tig-10,000 ang bilang na pasok sa pilot testing ng mga motorcycle ride-hailing app.

Sa halip, itinaas na ito sa 45,000 na paghahatian ng Angkas, JoyRide at Move It.

Lumabas din sa pampublikong pagdinig at executive session ng komite na hindi lang sa Metro Manila at Metro Cebu mapapayagan ang motorcycle taxi kundi maging sa Metro Cagayan de Oro.

Sinabi pa ni Sarmiento na pumayag din ang Angkas na bawiin ang kasong isinampa nito laban sa LTFRB.

Ipagpapatuloy na ng DOTr-Technical Working Group hanggang sa darating na Marso ang kanilang pilot testing o pag-aaral at paglalatag ng mga panuntunan tungkol sa operasyon ng motorcycle taxi na nais maisalegal bilang public utility service.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page