top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa virus, mga pasahero haharangin.. Pagpasok sa ‘Pinas pahirapan

  • V. Reyes
  • Jan 23, 2020
  • 1 min read

Inirekomenda ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janet Garin na maibalik ang pagpapasagot muna ng lahat ng pasaherong may flights papasok ng Pilipinas sa health declaration checklist.

Naniniwala ang kongresista na isa ito sa mga paraan upang matiyak na mamomonitor ang lahat ng mga pasaherong mula sa lugar na may naitalang kaso ng Wuhan virus.

Makatutulong, aniya, kasi ang survey sa mga pasahero upang malaman kung saang mga bansa ito bumisita o kung may pinuntahang poultry o manukan.

Sa ganitong paraan ay matututukan ang pasahero sakaling makaranas ito ng sintomas ng virus sa mga susunod na araw.

Pinawi naman ng mambabatas ang pangamba sa Wuhan virus o sa kahit ano pang uri ng virus na maaari naman aniyang maiwasan kung pananatilihing malinis ang katawan lalo na ang paghuhugas ng mga kamay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page