top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Cong. Alan Peter, tuluy-tuloy sa pagpapabango sa Gobyerno, to the rescue agad sa mga biktima ng taal

  • Ka Ambo
  • Jan 23, 2020
  • 1 min read

Aktuwal na naganap ang imposible kahapon sa Batangas.

Nagsesyon bilang Committee of the Whole ng Kamara ng mga Representante mismo sa “disaster area”!

◘◘◘

NAGPASALAMAT ang mga biktima dahil direktang pinuntahan sila ng mga kongresista.

Aprubado agad ang dalawang panukalang-batas!

◘◘◘

APRUB agad ang hiniling na P30 bilyong supplemental budget sa House Resolution No. 662.

Aprub din ang agarang paglalabas ng pondo para sa rescue and relief operations sa HR No. 655!

◘◘◘

DAMANG-DAMA ng mga biktima na hindi sila pinababayaan ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.

Ayon mismo ‘yan sa bakwit na si Aling Epifania, napakaganda at nagpapasalamat sila sa pagdalaw at pagdamay ng mga kongresista!

◘◘◘

MAGING si Rep. Raniel Abu ng Batangas ay nagpasalamat kay Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa determinasyon nitong tulungan ang mga biktima.

Binitbit ni Cayetano ang mga kapwa kongresista para sa Batangas gawin ang sesyon ng Kamara upang mapakinggan ang hinaing ng mga biktima!

◘◘◘

KAUNA-UNAHANG out-of-town session ang ginawang pagpupulong sa Batangas Convention Center kahapon mula noong 1987.

Ikinatuwa ng mga biktima ang pagpapatibay sa P.5 milyong donasyon ng Rules Committee sa mga Taal victims!

◘◘◘

PATULOY din ang relief operations na pinangangasiwaan ng Bahay Partylist at BHW Partylist.

Namahagi rin ng tulong sina Congw. Len Alonte at Cong. Mike Defensor kasama si Speaker Cayetano at misis na si Congw. Lani!

◘◘◘

KABILANG sa ipinamahagi ang family food packs, tubig, gamot at N95 masks bukod pa ang libreng medical consultations.

Ang eksenang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang pag-angat ng satisfactory rating ng Duterte administration!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page