top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Usapang lasing.. Katrabaho kinatay

  • Levi Gonzales
  • Jan 22, 2020
  • 1 min read

Isang construction worker ang nasawi matapos pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Bgy. Pacita 2, San Pedro City, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Roberto Malaa, 50, sa loob mismo ng kanilang pinapasukang trabaho na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bago naganap ang krimen, nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Philip Sibulo, 46, kapwa tubong Naga, Camarines Sur.

Nagtalo umano ang dalawa dahil sa kalasingan kaya agad na kumuha ng patalim ang suspek hanggang sa pagsasaksakin ang biktima sa katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page