Tatum, pamato ng Celtics, Lebron at Warriors, talo

Bumanat si Jayson Tatum ng 27 points habang nagdagdag sina Kemba Walker at Jaylen Brown ng tig-20 puntos nang silatin ng Boston Celtics ang bisitang Los Angeles Lakers, 139-107.
Bumasket si Enes Kanter ng 18 points, bago ang halftime at 11 rebounds nang putulin ng Celtics ang three-game losing streak. Nakapag-ambag si Gordon Hayward ng 16 points. Nakabakas naman si LeBron James ng 15 points at 13 assists para sa Lakers, na natalo ng dalawang ulit sa nakaraang 12 laro. Nakapag-ambag si Anthony Davis ng 9 points sa pagbabalik mula sa hindi paglalaro ng 5 game dahil sa injury. Nagbalik sina Walker, mula sa knee injury at Brown na na-injured din sa daliri para sa Celtics matapos ang dalawang sunod na hindi nakalaro. Tinapos ni Walker ang personal 0-28 career drought kontra James-led teams.
Samantala, winasak ni Damian Lillard ang sariling franchise record sa iniskor na 61 points at makagawa ng labing-isang 3-pointers para pamunuan ang Portland Trail Blazers sa bisa ng 129-124 overtime victory kontra sa bisitang Golden State Warriors. Umiskor si Lillard ng 60 points sa 119-115 na pagkatalo sa Brooklyn Nets noong Nob. 8. “I felt like I had a great performance in a game we needed to win, which is the most important thing,” ani Lillard sa postgame interview ng TNT.
Nakapagtala si Hassan Whiteside ng 17 points at 21 rebounds para sa Trail Blazers.





Comments