Taal patuloy sa pag-aalburoto.. Mga taga-Batangas, lumipat na ng Davao — P-Digong

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-Batangas na lumipat na lamang ng Davao kung patuloy na mag-aalburoto ang Bulkang Taal.
Ayon sa pangulo, malawak pa naman ang lupa sa Davao at marami ring mga Batangueño ang naninirahan sa kanyang bayan.
“‘Yun man siguro ang... Nakikita ko kasi kung saan kayo naka... Kaya kung puputok ulit ‘yan nang puputok nang puputok, puputuk-putok, lumipat na lang kayo sa Davao. Maraming Batangueño doon. Totoo. At malawak pa ang lugar doon,” ani Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa pagbisita sa mga bakwit sa Sto. Tomas, Batangas.
Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte na may bulkan din sa Davao, ang Mount Apo na pinakamataas sa Pilipinas. “But it’s not active actually. Meron noon may mga apoy-apoy but that was it then. Kung ‘yun ang pumutok, kayo naman ang tutulong sa amin. But until now, it has not. That is why ‘yung slopes ng Mount Apo paganun,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.
Tiniyak din nito na may pera ang gobyerno para tulungan ang mga bakwit.





Comments