top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis ng Kongreso: Nangyari sa pondo ng 'Yolanda', hindi na mauulit sa mga taga-Taal

  • Ka Ambo
  • Jan 22, 2020
  • 1 min read

Magsasagawa ng session ang Kamara ng mga Representante sa Batangas.

Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng bansa!

◘◘◘

ISASAGAWA ang sesyon sa Batangas Convention Center.

Numero-unong agenda ang mismong rehab plan para sa epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal!

◘◘◘

PATULOY na nagmamarka ng historic at record breaking performance ang Kamara.

Mabilis na naging batas ang P4.1 trilyong Annual Budget; umento ng government workers at iba pang prayoridad ng gobyerno!

◘◘◘

LAYUNIN ng Kamara na matiyak na maipagkakaloob ang benepisyo sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal upang hindi matulad sa sitwasyon ng Bagyong Yolanda, pagsabog ng Bulkang Pinatubo at giyera sa Marawi City.

Nilinaw ni Speaker Alan Peter Cayetano na prayoridad ang mabi­lis na pagsaklolo sa mga biktima!

◘◘◘

HINILING ni P-Digong ang P30 bilyong supplemental budget para sa mga biktima ng Bulkang Taal.

Hindi pa tapos ang trahedya pero inihahanda na agad ang rehabilitasyon!

◘◘◘

NGAYON lamang tayo nakasasaksi ng ganito kabilis at kaepektibong aksiyon at desisyon.

Pabor ito sa mga kaawa-awang biktima!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page