top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DOTr nahilot, laban-bawi sa pagbabawal sa Angkas, JoyRide AT Move It

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 22, 2020
  • 2 min read

LTFRB AT TWG, ATRAS KAY SEN. “BONG” GO—Matapos kausapin at sabihan ni Sen. Christopher “Bong” Go si DOTr Sec. Arthur Tugade na huwag ipatigil ang operasyon ng Angkas, JoyRide at Move It ay hindi na ituturing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Technical Working Group (TWG) ng DOTr na ilegal ang tatlong motorcycle taxis at atras na rin sila sa planong pag-aresto next week sa mga namamasadang bikers sa kalsada.

In short, tuloy pa rin ang biyahe ng mga ito at dahil d’yan, itinuturing ngayong ‘hero’ ng mga bikers si Sen. 'Bong' Go!

◘◘◘

DAPAT IHIRIT NI SEN. GO NA SIBAKIN ANG MGA TAGA-TWG NG DOTr—Matapos isalba ni Sen. Go ang hanapbuhay ng mga namamasadang bikers, dapat ang sunod nitong gawin ay hilingin kay Sec. Tugade na sibakin na ang mga miyembro ng TWG ng DOTr na nagrekomendang ipatigil ang operasyon ng Angkas, Joy Ride at Move It.

Walang malasakit sa mahihirap ang mga ito kaya dapat lang silang tanggalin sa gobyerno. Mantakin n’yo, 47 K katao na nagta­trabaho nang matino ang gusto nilang idagdag sa milyun-milyong tambay sa Pilipinas, boom!

◘◘◘

MGA CHINESE, HINDI LANG SHABU ANG IKINAKALAT SA ‘PINAS KUNDI PATI VIRUS—Iniimbestigahan ngayon ng Department of Health (DOH) ang ulat na may isang batang Chinese ang hinihinalang may Corona virus ang na-confine sa ospital sa Cebu.

Nakupo, kapag positi­bong may nakamamatay na Corona virus ang batang Chinese at lumaganap ‘yan sa bansa, hindi lang pala shabu ang ikinakalat ng mga Chinese kundi pati virus, ‘kakatakot!

◘◘◘

NGAYONG PNP CHIEF NA SI GEN. GAMBOA, MAGAWA KAYA NIYANG MAG­PA-‘TOKHANG’ NG MGA GAMBLING LORDS? — Balik-ope­ras­yon na naman daw ang STL-Pares nina “Tepang” at “Kit” at lotteng ni “Pinong” sa Quezon City.

Ngayong PNP chief na si Gen. Archie Francisco Gamboa, magawa kaya niyang magpa-”tokhang” ng mga gambling lords tulad nina “Tepang”, “Kit” at “Pinong”? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page