Caguioa, babalik laro pa Ginebra kings ng PBA

Photo: Espn5
Babalik para sa isa pang season ang beterano ng Barangay Ginebra na si Mark Caguioa.
Si Caguioa mismo ang nag-anunsiyo nito noong Lunes ng gabi kung saan nagkaroon ang Kings ng victory party para sa kanilang fans pagkaraang magwagi ang koponan ng titulo sa PBA Governors’ Cup.
Ayon sa 40-anyos na si Caguioa, nagdesisyon itong bumalik matapos kausapin ni San Miguel sports director Alfrancis Chua. “Coach Al pulled me aside and sinabi niya na he is going to give me one more year. I want to thank coach Al for giving me one more year,” saad ni Caguioa na ikinagalak ng fans ng Barangay Ginebra na nagtungo sa victory party na ginanap sa Metrotent sa may Metrowalk, Pasig.
Dahil sa kanyang desisyon ay maglalaro si Caguioa ng kanyang pang-19 na season para sa Gin Kings sa 2020. Na-draft si Caguioa ng Barangay Ginebra noong 2001 at nagwagi ng MVP noong 2012. Naging parte rin si Caguioa ng walong championships sa Ginebra kasama na ang 2019 Governors’ Cup.
Ayon kay Caguioa, natutuwa siya sa sipag na pinamalas ng koponan kaya nakuha ang Governors’ Cup“These guys, hindi n’yo nakikita kung anong nangyayari. These guys work so hard. Like LA, magwo-workout pa yan even though naglaro na siya ng 40, 50 minutes. Then, you see Japeth working out and I have to tell the guys na stop working hard so hard baka ma-injure kayo. But they’re doing it the whole conference,” wika ni Caguioa.
Samantala, nagpasalamat naman ang buong koponan sa kanilang mga fans sa suportang kanilang binigay noong Governors’ Cup. “I’m so proud that we have the power to make you happy. I’m so proud that we can win championships and make you happy,” wika ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.





Comments