Bullying, hindi lang sa iskul.. Astang boss sa trabaho, lagot!

Isinusulong sa Kamara ang pagkakaroon ng malinaw na polisiya sa mga opisina ng gobyerno, pribadong sektor at iba pang establisimyento kontra bullying.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, Jr., hindi lang sa eskuwelahan nangyayari ang bullying dahil may siga rin sa trabaho.
Sa ngayon aniya ay para lang sa mga educational institutions ang umiiral na batas o ang Republic Act 10627.
Kalimitan umanong nababalewala ng mga employer ang insidente ng bullying.
Sa ilalim ng House Bill No.85 o Anti-Office Bullying Act ni Garbin, may itatalagang administrative officer sa bawat lugar ng trabaho na magbabantay kung nasusunod ang anti-bullying policies at ang pagrerekomenda ng parusa sa mga lalabag.
“Sa bawat opisina o pagawaan, laging may mga sisiga-siga, astang boss o bisor. Ang masama, sila ‘yung mga sitting pretty lang pero binubusabos ang mga katrabaho,” dagdag pa ng kongresista.





Comments