top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Boxmeer, baka makasilat

Ding Taboy
Jan 22, 2020
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang pitong karera na paglalabanan ng mahuhusay na mananakbo sa San Lazaro Leisure Park.

Sa bibitawan ang “Additional one Win in Group Races” ang mga kalahok sa Condition Race, 3 Year Old & Above Maiden Race at Condition Race Merged. Ang karera ay binubuo ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ng tatlong Super Six, 7 Quartet at anim na sa anim na Pentafecta.

Sa panimula ng karera sa Race 1, unang matutunghayan ang WTA at maglalaban sa Condition Race Merged (10) at pinapatok ang couple entry na Magtotobetsky at Lemonada at maglalaban sa segunda ang Refuse to Lose, Shanghai Noon at Boni Avenue at Sizzling Hot. Kasabay nito magaganap din ang unang Super Six at Quartet at Pentafecta.

Sa Race 2, magsisimula ang Pick 6, nakalalamang ang Critical Moments, ngunit, may talo sa The Best Ever at I love Jane, ngunit huwag pababayaan ang Boxmeer dahil malaki ang tsamba sa Group Race Merged (9-10).

Sa Race 3, nakalalamang ang Lucky Saver habang ang couple entry na Navy Cut at Blind Item at couple entry na Deeper at Daughter of Dragon ang makakalaban ng mahigpit kasabay ng Pick 5.

Sa Condition Race (20) na bibitawan sa Race 4 at panimula ng Pick 4 maglalaban ang apat na kalahok na Bond Mission, Hayley Margarette, Classic Gee, Beyond D Sea at Magat Salamat.

Sa Race 5, nakalalamang ang American Factor, habang makakalaban ang Calle Loreto at Texas Mighty Coast sa 3 year old & Above Maiden Race.

Nakalalamang ang Full Steam at panegundo ang Sky Hook, isama ang Shining Vic sa Trifecta sa Race 6.

Sa Race 7, magkakalaban ang Money Show at Mellifluous habang ang Laughing Tiger, Case Bell at Irene’s Dream ay isama sa mga parating sa WTA at Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page