top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Biniling aso, 2 araw pa lang, namatay na dahil may sakit pala, bayad puwedeng bawiin

  • Persida Acosta
  • Jan 22, 2020
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Bumili ako ng aso sa kaibigan ko. Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas ay namatay ang nasabing aso. Pumunta ako sa beterinaryo para ma-examine kung ano ang ikinamatay nito at sinabi sa akin na isang linggo nang mayroong malubhang sakit ang nasabing aso. Maaari ko bang mabawi sa aking kaibigan ang aking ibinayad sa naturang aso? — Den Den

Dear Den Den, Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasakop sa inyong sitwasyon ay ang Article 1578 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

Article 1578. If the animal should die within three days after its purchase, the vendor shall be liable if the disease which cause the death existed at the time of the contract.

Samakatwid, base sa nabanggit na batas, kung ang biniling hayop ay namatay sa loob ng tatlong (3) araw, mananagot lamang ang nagbenta nito kung ang sanhi ng pagkamatay ay sakit na nandoon na noong nagawa ang kontrata. Sa inyong sitwasyon, sa kadahilanang namatay sa loob ng dalawang (2) araw ang nasabing aso dahil sa sakit na ayon sa beterinaryo ay nandoon na nang ito ay binili, ang mananagot sa pagkamatay nito ay ang nagbenta rito. Dahil dito, maaari ninyong mabawi ang inyong ibinayad sa inyong kaibigan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page