top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Papansin kay Conor si M’Weather; Mercado, inilipat sa Fuel Masters

  • MC / Alvin Olivar
  • Jan 21, 2020
  • 1 min read

Ibang boksingero ang hinahamon ni Conor McGregor, pero tila umeepal ng rematch si US boxing champion Floyd Mayweather, Jr. kay McGregor.

Iyan ay nang magwagi sa loob lang ng 40 segundo ang Irish UFC fighter laban kay Donald “Cowboy” Cerrone sa Las Vegas noong Linggo ng umaga. Nag-post si Mayweather sa kaniyang social media account ng larawan nila ni McGregor.

Bagamat nagpahiwatig ito na gusto niya ng rematch ay hindi na nagbigay pa ng detalye si Mayweather sa kanyang post. Unang tinalo ni Mayweather si McGregor sa boksing noong Agosto 2017.

Samantala, muling inilipat ng team si Sol Mercado. Maglalaro na siya sa Phoenix Pulse Fuel Masters sa isang trade na inaprubahan ng PBA kahapon ng umaga.

Sa naturang palitan ng players, naipalit sa kanya para sa NorthPort Batang Pier sina LA Revilla at Rey Guevarra. Si Mercado, ang fifth overall pick noong 2008 PBA Rookie Draft, ay may averaged na 4 points at 1.56 rebounds kada game sa siyam na laro para sa Batang Pier.

Nitong nakaraang season lang nalipat siya sa NorthPort kasama sina Kevin Ferrer at Jervy Cruz, habang napunta sa Ginebra si Stanley Pringle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page