top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mon, inuna ang dakdak vs. Phivolcs, ipapapatay daw, sopla at pahiya!

  • Ryan B. Sison
  • Jan 21, 2020
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Iba’t ibang reaksiyon ang natanggap sa social media ng broadcaster at kolumnistang si Ramon Tulfo sa kontrobersiyal na pahayag laban sa mga kawani ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tweet ni Tulfo, sinabi niyang ipapapatay niya ang lahat ng nasa Phivolcs dahil sa kawalan ng babala sa pagsabog ng Bulkang Taal.

“Goddamn Phivocvoc! There was no warning about the eruption of Taal Volcano! If I were to have my way, I would have all the Phivolcs people executed!” Taliwas sa sinabi ni Tulfo, Marso, 2019 pa lang nang ianunsiyo ng Phivolcs na itinaas sa Alert Level 1 ang Taal dahil sa kakaibang naobserbahan sa bulkan tulad ng volcanic earthquake activity, ground deformation at gas emission.

Ika-1 naman ng Disyembre, 2019 nang muling naglabas ng abiso tungkol sa Taal Volcano ang Phivolcs kung saan ibinabala ang posibilidad ng magmatic disturbance na nangyayari sa ilalim ng bulkan. Gayundin, sinabi ng ahensiya na maaaring itaas sa Alert Level 2 ang bulkan sa oras na lumala ang kondisyon doon.

Dahil sa galit ng netizens, hindi maiwasang ungkatin ng mga ito ang isyung kinasasangkutan ng magkapatid na Tulfo na sina Ben at Wanda.

Banat pa ng iba, naturingang broadcaster si Tulfo, pero hindi man lang nito alam ang nangyayari sa bansa at hindi sinigurado kung tama ang impormasyon na alam niya bago nag-rant sa socmed.

Bagama’t, namo-monitor ang aktibidad ng bulkan, hindi pa rin masasabi kung kailan ito sasabog dahil ito ay natural disaster.

Naiintindihan nating magkakaiba tayo ng opinyon sa mga nangyayari sa ating paligid, pero sana, maging responsable tayo sa ipino-post natin sa socmed. Walang mawawala kung magre-research muna bago mag-post upang maiwasan ang pagkalat ng mga maling impormasyon dahil hindi maganda ang epekto nito sa publiko.

Sa halip na magbanatan sa socmed, magdasal tayo para sa kaligtasan ng mga kababayan nating nasalanta, magtulungan at sabay-sabay na bumangon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page