top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga lalaki, hinaharang daw… Sigaw ni Bela: Boss Vic ng Viva, hapi na wala akong BF!

Vinia Vivar
Jan 21, 2020
1 min read

After Neil Arce ay wala pang ipinakikilala ulit na ba­gong boyfriend si Bela Padilla sa publiko although may mga nali-link sa kanya.

Sa presscon ng latest film niya with JC Santos na On Vodka, Beers, and Regrets, kuwela ang sagot ng ak­tres kung choice ba niya ang maging single.

“Hindi po talaga. I think, choice po nilang lahat. Pa­rang masaya po si Boss Vic (del Rosario, Viva Films’ big boss) na single ako, kasi tanggap ako nang tang­gap ng trabaho.

“So, baka ‘yung Viva na ang gumagawa ng paraan pa­ra walang manligaw sa akin,” natatawang sabi ni Bela saka sinundan ng “Charot!”

Seriously ay hindi niya alam kung ba­kit single pa rin siya, pero happy na­man si Bela.

“Sa totoo lang, masaya po ako ng ga­nito kasi, ‘yun nga, nagagawa ko ‘yung... feeling ko, kung may boyfriend ako nga­yon, di hindi siya papayag na i-shoot ko ‘tong movie na ‘to, kasi ang dami naming ginawa rito na iba and mas mature,” she said.

Hurt pa rin ba siya sa ex-BF niya kaya ayaw niya mu­nang makipagre­lasyon?

“Hindi naman po. Wala naman pong nananakit sa akin sa totoong buhay. Lahat naman, maayos,” aniya.

Si JC naman, well, as we all know ay masayang-ma­saya dahil manganganak na ngayong Pebrero ang kanyang non-showbiz wife.

When asked kung may mga naging regrets ba sila sa buhay nila, sagot ni Bela, “Ako, in fairness, wala na­man. ‘Pag nagmahal ako, todo-todo, so, walang regrets.”

Same with JC dahil extra baggage raw ang ganitong feeling at masyadong masakit isipin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page