Kaya lumakas daw ang loob, dedma sa mga banat sa kanya… Gerald, hapi na nakahanap ng kakampi sa nang
- Julie Bonifacio
- Jan 21, 2020
- 3 min read

Nag-open-up for the first time in public si Gerald Anderson via the Kapamilya morning show na Magandang Buhay tungkol sa pinagdaanan niya nu’ng masangkot siya sa isa sa mga pinakamalaking kontrobersiya last year.
Ishinare ni Gerald ang sakit na naramdaman niya ‘di lang sa nangyaring hiwalayan nila ni Bea Alonzo kundi maging ang mga panghuhusga at pamba-bash sa kanya ng ibang tao.
“Yeah, tama,” bungad ni Gerald. “Kasi ‘yung bigat na ‘yun, parang kung iki-keep mo sa sarili mo, sasabog ka talaga, eh. Posible ‘yun.”
Kumpleto ang seven male lead stars ng bagong aksiyon-serye ng Kapamilya Network na A Soldier’s Heart sa Magandang Buhay last Monday. Bukod kay Gerald, present din sina Carlo Aquino, Vin Abrenica, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Yves Flores at Nash Aguas.
Tinanong ng mga momshies na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada, plus ang special guest co-host nila for the week na si Bianca Gonzales, ang members of the cast ng A Soldier’s Heart na kasisimula pa lang sa Primetime Bida ng ABS-CBN last Monday pagkatapos ng Make It With You.
“Kanino ako humingi ng advice? Lahat, sa mga support group ko. Even before nu’ng medyo sumabog ‘yung mga… Siyempre, sa relationship, may mga pinagdaraanan ka. Malalim ba.”
Nag-open-up daw si Gerald sa mga co-actors niya sa taping nila ng A Soldier’s Heart.
“Pero hindi ko sinabi sa kanila na ako ‘yun. ‘Alam mo, guys, may kaibigan ako, ano’ng ia-advise ninyo sa kanya?’ Ganito, ganito. Kasi, nu’ng time na ‘yun, parang nasa akin lahat. Parang ‘May makaka-relate kaya sa akin? Or may makakaano?’ Iba ‘yung feeling na parang…
“So, nu’ng nagkuwento ako, ‘‘Yung kaibigan ko kasi, ganito.’ Tapos, parang sabi niya, ‘Ay, oo, bro.’ Gumaan agad ang pakiramdam ko na parang, ‘Ah, okay. Normal.’ Hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito.”
Kuwento pa ni Gerald, “And then, ‘yung pinaka-peak lahat nu’ng judgment, at ‘yung pinagdaanan, masasabi ko na hindi ko ‘yun maliligtasan kundi dahil kay Soldier’s Heart at sa grupo na ‘to. Dahil makita ko lang sila, nandoon na kami, magba-basketball, break time, or ‘yung kakain kami sa labas, kakain kami sa kampo. Sobrang sarap na may ganito ako. So, I think Papa God gives you these challenges at the right time in your life. Alam Niya na… Ano ‘yung quote na ‘yun? He gives the worst challenges to the strongest soldiers. Isa ‘yan sa mga na-realize ko.”
When asked again kung umiyak ba siya habang nag-o-open-up sa mga kasamahan niya sa A Soldier’s Heart, sabi ni Gerald, “Hindi naman. Hindi naman siya ‘yung parang iyak, eh. More of ano lang na parang naghahanap ako ng tao na makikinig sa akin, makakaintindi. And then, ‘yung walang judgment.”
Appreciated daw ni Gerald na meron siyang mga kasama sa show whom they treat each other as brothers.
“I have my friends na sabi sa akin, ‘Bro, baka kasi ganito.’ And, I’m just very blessed na ganu’n ang pagkatao ko na I can absorb both and analyze. Instead of you, gusto kong marinig ‘yung masarap, eh. ‘Hindi, dapat kampihan mo ako,’ hindi, eh. Para maging normal ka, kailangang pakinggan mo ‘yung both sides. Just to learn and grow from it,” pahayag pa ni Gerald.
Meron daw silang group chat sa social media called Team Charlie. Ang ‘Charlie’ raw ay isang military code. Pambubuking pa ni Gerald, si Jerome Ponce raw ang pinaka-active sa kanilang lahat sa group chat.
“Pero nu’ng may pinagdaraanan ako, siyempre, alam ninyong lahat ‘yun last year, si Carlo ‘yung unang nag-message sa akin. Parang, ‘Okey ka lang?’ Tapos, siyempre, kapag may pinagdaraanan ka, napakaimportante noon na sobrang touched ako. Parang siya ‘yung unang nakaalala.”
Mariin namang sinabi ni Carlo, “Hindi namin hahayaan na pagdaanan niyang mag-isa ‘yun.”
Incidentally, very close ngayon ang mga ex-girlfriends nina Carlo at Gerald na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo, kaya malamang na naka-relate si Carlo sa pamba-bash kay Gerald sa social media.
Dahil sa mga pahayag ni Gerald, sobrang na-inspire sina Momshie Melai at Momshie Karla para sa kanilang ‘pulot of the day’ portion sa Magandang Buhay. Habang excited naman si Bianca na sa unang pagkakataon ay nag-share ng mga nagmarka sa kanya sa mga sinabi ng buong cast ng A Soldier’s Heart.





Comments