top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kandila natumba sa kutson.. Mag-utol na 5 at 8 patay sa sunog

V. Reyes
Jan 21, 2020
1 min read

Patay ang dalawang bata sa sunog sa Tagbilaran City.

Hindi na nakalabas ng kanilang nasusunog na bahay ang magkapatid na sina Mary Jade, 8, at Mary Joy Arayan, 5.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, naiwan sa bahay ang magkapatid, gayundin ang nakaligtas nilang ate na si Mary Jane, 9, dahil nasa trabaho ang kanilang ina.

Gayunman, aksidente umanong natumba sa kutson ang kandilang gamit ng pamilya at mabilis na kumalat ang apoy sa bahay na gawa rin sa light materials.

Wala umanong kuryente sa bahay ng mag-anak nang maganap ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page