Construction worker noon, ang layo na raw ng narating… Marcelito, 'di makapaniwalang pasok sa se

Qverwhelmed at labis ang pasasalamat ni Marcelito Pomoy sa mga America’s Got Talent superfans lalo na sa mga kababayan nating Pinoy na tumulong sa kanya para makapasok sa semi-finals at maging trending sa social media.
Kahit ang mga hurado ng AGT: The Champions tulad nina Simon Cowell, Howie Mandel, Heidi Klum, Mel B, Terry Crews ay nagbigay ng standing ovation sa performance na ipinakita ni Marcelito kung saan kinanta niya sa babae at lalaking boses ang awiting The Prayer, duet nina Celine Dion at Andrea Bocelli.
Naging kontrobersiyal ang pag-agaw ni Simon ng golden buzzer na nakatoka kay Howie Mandel. Ang grupong Storm Breaker ang pinili ni Simon kung saan ayon kay Howie nu’ng magsabi siya ng komento kay Marcelito ay mas karapat-dapat dito ang golden buzzer.
Marami sa mga AGT superfans ang nag-react at nagreklamo na kay Marcelito dapat ibinigay ang golden buzzer at ‘di sa piniling grupo ni Simon.
Nang makausap namin at hingin ang reaksiyon ni Marcelito tungkol dito last Sunday sa set ng ASAP Natin ‘To, ayon sa PGT grand champion, kahit ano’ng pilit natin sa ating kagustuhan, ang masusunod pa rin ay desisyon ng mga hurado.
Para kay Marcelito, kahit ‘di siya makaabot sa grand finals, masaya na siya dahil isa nang malaking karangalan ang makapasok sa semi-finals at makalaban ang iba’t ibang mga itinanghal na champions ng naturang talent search show sa buong mundo.
Ikinuwento rin sa amin ni Marcelito na mismong mga taga-AGT ang kumontak sa kanilang mag-asawa kung saan ang kanyang wife na si Joan ang unang nakausap ng mga ito.
Aniya, sobrang kaba at pressure niya bago at sa mismong performance niya. Akala rin ng singer ay nagkasakit siya sa puso dahil sa sobrang kabog ng dibdib kaya nagpatingin siya sa doktor para makasigurado sa kalagayan.
Labis-labis ang pasasalamat ni Marcelito sa ABS-CBN at sa show na PGT at hanggang ngayon ay ‘di siya makapaniwalang nabago ang buhay niya dahil dito. Mula sa pagiging isang simpleng construction worker ay narating niya ang mga pang
arap.
Thankful din ang PGT grand champion sa lahat ng mga Pilipino na nagtiwala sa kanya at siyempre, sa wife na si Joan na kumukumbinse palagi na ipagpatuloy niya ang pagkanta dahil lagi itong nakasuporta sa kanya.
Biro sa amin ni Marcelito ay binigyan pa niya ng trabaho ang asawa. Si Joan kasi ang naging interpreter niya sa mga nag-iinterbyu sa kanya dahil nakakaintindi at nakakasagot agad ito sa Ingles. Alam niyang kailangan pa niyang mahasa nang husto sa Ingles. Kinakabahan daw si Marcelito at paminsan-minsan ay name-mental block sa mga tanong sa kanya.





Comments